SCHEDULE: Simbang Gabi, Misa de Gallo 2024 sa mga mall at iba pang pasyalan
MANILA, Philippines – Madaling araw ng Lunes, Diyembre 16, muling manggigising ang kalembang ng mga kampana ng simbahan sa buong Pilipinas, hudyat na mag-uumpisa na ang Simbang Gabi at Misa de Gallo.
Ang Simbang Gabi sa Disyembre 15 ay ang pinakahihintay na Misa, na ginaganap sa bisperas ng Misa de Gallo. Ang mga Misa de Gallo o “dawn masses” naman ay ang nakaugalian sa Pilipinas na novenario ng siyam na misang ginaganap sa madaling araw, o bago sumikat ang araw. Natatapos ito tuwing Disyembre 24, o ang tinatawag na Christmas Eve.
Marami ang nais mamanata tuwing Pasko, pero dahil sa maraming dahilan — tulad ng sobrang trapik, mga Christmas party, o last-minute shopping — hindi nila nabubuo ang Misa de Gallo.
Para sa nais magpursigi sa pamamanata, maaari namang makapagsimba sa ibang lugar, kung saan may ginaganap na misa.
Ang sumusunod ay mga lugar kung saan, kahit na hindi simbahan, ay makadadalo kayo ng Simbang Gabi o Misa de Gallo.
Metro Manila
- Araneta City – Sagrada Familia Church, December 15-22, 7:30 pm; December 16-20 & 23, 6 pm; December 21, 6:30 pm; Ali Mall, December 15-23, 6:30 pm; Farmers Market, December 16-24, 5:30 am.
- Bonifacio Global City – Anticipated Simbang Gabi, December 15–23, 6:30 pm, Bonifacio High Street Amphitheater.
- Robinsons Malls – Magnolia, 7 pm; Galleria, 5:30 am & 7 pm; Antipolo, 6 pm; Metro East, 7 pm; Malabon, 6 pm; Novaliches, 6 pm; Otis, 6 pm; Las Piñas, 6:30 pm.
- Ayala Malls – Sto. Niño de Paz Greenbelt Chapel, December 15-23, 8 pm; December 16-24, 5 am; December 24, 8 pm; Manila Bay, Vertis North, Market Market, Feliz, Capitol Central, Harbor Point, Marikina, December 15-23, 6 pm; Clover Leaf, Solenad, 5 pm; Fairview Terraces, 7 pm; TriNoMa, Chapel of St Micheal the Archangel, December 15-22, 5 pm; December 16-21 & 23, 6:30 pm.
- Uptown Bonifacio – St. Gabriel The Archangel Chapel, December 15–24 , 7:30 pm; December 25, 31 & January 1, 6 pm.
- Vista Mall Taguig – December 15-23, 6 pm. .
- SM Aura, Chapel of San Pedro Calungsod – December 15-23, 6 pm, 8 pm; Christmas eve, 6 pm.
- Sta. Lucia Mall – December 15-23, 6 pm, Brick Road.
- SM City Grand Central – Chapel of Our Lady of the Most Holy Rosary, December 17-23, 7:30 pm.
– Rappler.com