Add news
March 2010 April 2010 May 2010 June 2010 July 2010
August 2010
September 2010 October 2010 November 2010 December 2010 January 2011 February 2011 March 2011 April 2011 May 2011 June 2011 July 2011 August 2011 September 2011 October 2011 November 2011 December 2011 January 2012 February 2012 March 2012 April 2012 May 2012 June 2012 July 2012 August 2012 September 2012 October 2012 November 2012 December 2012 January 2013 February 2013 March 2013 April 2013 May 2013 June 2013 July 2013 August 2013 September 2013 October 2013 November 2013 December 2013 January 2014 February 2014 March 2014 April 2014 May 2014 June 2014 July 2014 August 2014 September 2014 October 2014 November 2014 December 2014 January 2015 February 2015 March 2015 April 2015 May 2015 June 2015 July 2015 August 2015 September 2015 October 2015 November 2015 December 2015 January 2016 February 2016 March 2016 April 2016 May 2016 June 2016 July 2016 August 2016 September 2016 October 2016 November 2016 December 2016 January 2017 February 2017 March 2017 April 2017 May 2017 June 2017 July 2017 August 2017 September 2017 October 2017 November 2017 December 2017 January 2018 February 2018 March 2018 April 2018 May 2018 June 2018 July 2018 August 2018 September 2018 October 2018 November 2018 December 2018 January 2019 February 2019 March 2019 April 2019 May 2019 June 2019 July 2019 August 2019 September 2019 October 2019 November 2019 December 2019 January 2020 February 2020 March 2020 April 2020 May 2020 June 2020 July 2020 August 2020 September 2020 October 2020 November 2020 December 2020 January 2021 February 2021 March 2021 April 2021 May 2021 June 2021 July 2021 August 2021 September 2021 October 2021 November 2021 December 2021 January 2022 February 2022 March 2022 April 2022 May 2022 June 2022 July 2022 August 2022 September 2022 October 2022 November 2022 December 2022 January 2023 February 2023 March 2023 April 2023 May 2023 June 2023 July 2023 August 2023 September 2023 October 2023 November 2023 December 2023 January 2024 February 2024 March 2024 April 2024 May 2024 June 2024 July 2024 August 2024 September 2024 October 2024 November 2024 December 2024 January 2025 February 2025 March 2025 April 2025 May 2025 June 2025 July 2025 August 2025 September 2025 October 2025 November 2025 December 2025
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
News Every Day |

[New School] Inflation: Ang pagkasangkot ng aking pitaka sa hit-and-run

Sa mga nagdaang araw, isa-isang nagsisilabasan ang mga artikulo ukol sa inflation rate ng Pilipinas sa nakaraang buwan. Ang inflation rate ay ginagamit na panukat sa pagtaas ng presyo sa loob ng nakatakdang panahon. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang inflation rate ng bansa ay bumaba sa 8.6% noong nakaraang Pebrero kumpara sa 8.7% noong Enero ng taong ito. Subalit kung ihahambing ang nasabing inflation rate noong nakaraang buwan sa ganoon ng Pebrero sa nakaraang taon, makikita na higit sa doble ang tinaas ng inflation rate. Ang mga datos ng PSA ay masasabing pinag-aralang mabuti at mapagkakatiwalaan, ngunit bakit tila hindi ko namalayan ang pagbaba ng inflation? 

Gayunpaman, kahit na bumaba ang inflation rate, nananatili pa rin ang pagkain bilang isa sa mga salik na may pinakamalaking kontribusyon sa inflation. Noon, sa halagang P100 ay makabibili ka na ng burger steak meal na may kasamang Coke at sundae, at may sukli ka pang pamasahe sa jeep. Sa kasalukuyan, sa halagang P100, wala ka na ngang sundae, hingal na hingal ka pang makakarating sa inyong bahay dahil sa walang katapusang paglalakad dulot ng kakulangan sa perang pamasahe. 

Ngayong ako ay sa Maynila na nag-aaral, higit ko pang nadama ang hirap sa pagbabadyet ng pera. Sa unang linggo ng buwan, pinapadala na ng aking mga magulang ang aking allowance para sa buong buwan. Tuwing Linggo, ako ay nagwiwithdraw ng pera panustos sa aking mga gastusin sa linggong iyon. Subalit, ang pera na pumasok sa aking pitaka nang Linggo ay hindi man lang umaabot ng Huwebes. Wari’y isa akong magician na may talento sa pagpapalaho ng pera sa isang iglap. Kung titignan ang aking expenses tracker, lagpas sa kalahati ng aking gastusin ay napupunta sa pagkain. Marahil dahil ito sa napapadalas na pagbili ko ng naluto nang pagkain o pagkain sa labas.

Sa katunayan, maiksi lamang ang oras sa pagitan ng aking mga klase. Kung ako ay magluluto pa ng aking kakainin, tiyak na hindi na ako aabot sa aking mga face-to-face na klase. May mga pagkakataon ding hindi ko na kayang magluto ng kakainin hatid ng pagod sa buong araw na face-to-face classes. Buhat ng stress at kakulangan sa oras, kasabay ko sa pangangayayat ang aking pitaka. Linggo-linggo na lamang nasasangkot ang aking  pitaka sa hit-and-run. Ito ay tatamaan ng sandamakmak na babayarin na siyang  kadahilanan ng pagtakbo ng pera. Dahil dito, lagi akong napapatanong sa aking sarili kung sobrang nagmahal nga ba ang mga bilihin, kulang ba ang aking allowance, o sadyang ako ay magastos lamang.  

Must Read

PH inflation inches down to 8.6% in February 2023 but Metro Manila rate up

Upang masagot ang aking katanungan, ako ay nagsagawa ng isang reality check kung saan aking nabasa na iniulat ng PSA na hindi lamang ang mga pagkain kung hindi pati rin ang mga bilihin na may kaugnayan sa pag-aaral tulad ng matrikula at mga renta sa  mga dormitoryo ay higit na lumobo. Ayon kay Dennis Mapa, isang national statistician, maraming salik ang nakakaapekto dito gaya na lamang ng muling pagbubukas ng mga eskwelahan sa loob dalawang taon. Talagang ang pagtaas ng presyo dulot ng pagbabalik ng klase ay higit na nakasasakit.

Bukod sa pagbabasa, sinuri ko rin ang aking mga gastusin sa nakaraang buwan. Ang aking karaniwang gastusin sa bawat pagkain ay tumataya lamang sa P100 hanggang P120, na kung tutuusin ay mura na  lalo na’t ako ay namumuhay sa siyudad. Hindi naman pwedeng hindi ako kumain para makatipid, dahil sa kalaunan mas marami ang magagastos kung ako ay magkasakit bunga ng hindi pagkain. Sa gayon, tama nga ang nasabi ng aking ina, na sa panahon ngayon, salawal na lang ang bumababa.  

Ang nabanggit na pagbaba ng inflation rate ay isang magandang balita hindi lamang para sa mga estudyanteng katulad ko, pati na rin sa mga negosyante, manggagawa, at ordinaryong mamamayan. Subalit higit pang mas maganda kung ito ay tuluyang bumaba pa, nang sa gayon ay mas malayo ang mararating ng ating mga salapi. Sa ngayon, ayon sa sekretarya ng National Economic and Development Authority (NEDA) na si Arsenio Balisacan, patuloy na tinutugunan ng gobyerno ang pagsugpo sa inflation at ang epekto nito sa pamamagitan ng pagresolba sa isyu ng suplay, at pagbibigay ng tulong pinansyal at  social protection programs sa mga nangangailangan upang masiguro na abot-kaya nila ang mga serbisyo. Nawa’y patuloy na matukoy ang ugat ng isyu at masolusyunan ang problemang ito, sapagka’t ang pera natin ay pagod na sa mabilisang pagpanhik-panaog sa ating mga pitaka. – Rappler.com

Si Alyssa Nicole M. Milo, 20 taong gulang, ay kasalukuyang nag-aaral ng BS Human Biology sa Pamantasang De La Salle. Maliban sa pagtitipid ng pera, siya ay inaasahang makakatipid din sa oras sapagka’t siya’y nasa isang accelerated medicine program. Siya ay kasalukuyang nasa ikalawang taon ng kolehiyo at nakatakdang pumasok sa medical school bago matapos ang taong ito.

Ria.city






Read also

Arteta wants landmark win at Everton on sixth anniversary as Arsenal boss

I flew Breeze Airways for the first time. Bad reviews worried me, but my experience with the low-cost airline was flawless.

Americans surge toward financial resolutions for 2026 amid household budget concerns

News, articles, comments, with a minute-by-minute update, now on Today24.pro

Today24.pro — latest news 24/7. You can add your news instantly now — here




Sports today


Новости тенниса


Спорт в России и мире


All sports news today





Sports in Russia today


Новости России


Russian.city



Губернаторы России









Путин в России и мире







Персональные новости
Russian.city





Friends of Today24

Музыкальные новости

Персональные новости