March 2010 April 2010 May 2010 June 2010 July 2010
August 2010
September 2010 October 2010
November 2010
December 2010
January 2011
February 2011 March 2011 April 2011 May 2011 June 2011 July 2011 August 2011 September 2011 October 2011 November 2011 December 2011 January 2012 February 2012 March 2012 April 2012 May 2012 June 2012 July 2012 August 2012 September 2012 October 2012 November 2012 December 2012 January 2013 February 2013 March 2013 April 2013 May 2013 June 2013 July 2013 August 2013 September 2013 October 2013 November 2013 December 2013 January 2014 February 2014 March 2014 April 2014 May 2014 June 2014 July 2014 August 2014 September 2014 October 2014 November 2014 December 2014 January 2015 February 2015 March 2015 April 2015 May 2015 June 2015 July 2015 August 2015 September 2015 October 2015 November 2015 December 2015 January 2016 February 2016 March 2016 April 2016 May 2016 June 2016 July 2016 August 2016 September 2016 October 2016 November 2016 December 2016 January 2017 February 2017 March 2017 April 2017 May 2017 June 2017 July 2017 August 2017 September 2017 October 2017 November 2017 December 2017 January 2018 February 2018 March 2018 April 2018 May 2018 June 2018 July 2018 August 2018 September 2018 October 2018 November 2018 December 2018 January 2019 February 2019 March 2019 April 2019 May 2019 June 2019 July 2019 August 2019 September 2019 October 2019 November 2019 December 2019 January 2020 February 2020 March 2020 April 2020 May 2020 June 2020 July 2020 August 2020 September 2020 October 2020 November 2020 December 2020 January 2021 February 2021 March 2021 April 2021 May 2021 June 2021 July 2021 August 2021 September 2021 October 2021 November 2021 December 2021 January 2022 February 2022 March 2022 April 2022 May 2022 June 2022 July 2022 August 2022 September 2022 October 2022 November 2022 December 2022 January 2023 February 2023 March 2023 April 2023 May 2023 June 2023 July 2023 August 2023 September 2023 October 2023 November 2023 December 2023 January 2024 February 2024 March 2024 April 2024
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24
25
26
27
28
29
30
News Every Day |

#SaysayNgKasaysayan: Kampanya kontra sa pagbaluktot ng kasaysayan inilunsad

MANILA, Philippines Nagsanib-puwersa ang #FactsFirstPH, ABKD (Akademiya at Bayan Kontra Disimpormasyon at Dayaan) Network, Tanggol Kasaysayan, Project Gunita, Pitik Bulag at Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission (HRVVMC) para sa isang kampanya ng pagprotekta sa kasaysayan at katotohanan ngayong Agosto, Buwan ng Kasaysayan sa Pilipinas. 

Layon ng kampanyang #SaysayNgKasaysayan na labanan ang disimpormasyon sa social media, lalo na ang mga may kaugnayan sa kasaysayan. 

Ang ABKD Network, Tanggol Kasaysayan, at Project Gunita ay binubuo ng mga guro at estudyante ng kasaysayan mula sa iba’t ibang pamantasan sa Pilipinas. Samantala, ang Pitik Bulag ay isang kolektibo ng mga mangguguhit; habang ang Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission (HRVVMC) ay ang ahensya ng pamahalaan na may mandatong pangalagaan ang alaala ng mga naging biktima ng Martial Law.

Gintong anibersaryo ng Martial Law

Sa Setyembre 21, gugunitain ang ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa ilalim ng yumaong pangulong Ferdinand Marcos, at nataon sa pagkakabalik ng kanyang pamilya sa Malacañang. 

Bago pa ito, maraming kasinungalingan tungkol sa administrasyon ng matandang Marcos ang kumalat sa social media, katulad ng Tallano Gold, Pilipinas bilang dating kaharian ng Maharlika, ang golden age ng ekonomiya, ang nutribun, at marami pang iba.

Bilang paggunita sa mga tunay na naganap sa ilalim ng diktadura, inilatag ng mga grupo ang iba’t ibang aktibidad mula Agosto hanggang katapusan ng Setyembre. 

ABKD Network

Inilunsad ng ABKD Network at mga mag-aaral mula sa isang klase ng National Service Training Program-College of Arts and Letters (NSTP-CAL) ng University of the Philippines Diliman ang elektronikong aklat pambata na Martial Law ABCs nitong Agosto 5. Layunin ng e-book na ito na mas maipaunawa sa mga kabataan ang mahahalagang naganap noong panahon ng Batas Militar.

Ayon sa lead convenor ng ABKD Network na si Propesor Francisco Jayme Paolo Guiang ng UP Diliman, “Mahalaga ang kolaborasyon ng ABKD at mga mag-aaral sa NSTP-CAL dahil pangunahing layunin ng Martial Law ABCs na ipaalam sa mas nakababatang henerasyon ang masalimuot na kasaysayan ng Batas Militar noong 1970s hanggang 1980s at ang pakikibaka ng mga Pilipino upang pabagsakin ang diktadura.” 

Ayon naman kay Propesor Jose Monfred Sy ng UP Diliman, guro ng mga mag-aaral sa NSTP-CAL, “Ang aklat pambata na ito ay isang malikhaing paraan upang labanan ang iba’t ibang porma ng disimpormasyon at distorsiyon sa kasaysayan na naglipana sa mga social media platforms.” 

Sa Agosto 11-12 naman gaganapin ang “Martial Law @ 50,” ang taunang pagtitipon ng CONTEND UP (​​Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy). Pag-uusapan ang madilim na bahagi ng kasaysayan noong Martial Law at susuriin kung paano muling nakabalik ang mga Marcos sa kapangyarihan. Ang CONTEND UP ay kabilang sa ABKD Network na binubuo ng mga guro at kawani ng mga unibersidad.

Manunumbalik ang regular na fact checks ng ABKD Network na kanilang ibinabahagi sa kanilang Lighthouse site, Facebook page, at Twitter account. Gamit ang comic strips at TikTok videos simula nang ilunsad ang #FactsFirstPH noong Enero 2022, nakalikha ang ABKD Network ng halos 200 na materyal upang banggain ang iba’t ibang uri ng disimpormasyon. 

@abkd_ph FACT-CHECK: TALLANO GOLD #bbm #election2022 #factcheck #learnontiktok #kasaysayan #fyp ♬ original sound – ABKD
Tanggol Kasaysayan

Bilang tugon sa komento ng direktor ng pelikulang Maid in Malacañang na hindi umano propesyon ang gawain ng mga historyador, tanong ni Professor Francis Geologo, na lead convenor ng Tanggol Kasaysayan: “Anong klaseng lipunan ang gustong buuin ng ganitong mapanganib na kaisipan? Isang lipunang walang kasaysayan? Isang bayan na binaluklot ang ang katotohanan?”

Inilunsad ng grupo ang “SingkwentAkda,” isang 50-day online countdown na nagsimula nitong Agosto 3 at nagtatampok ng iba’t ibang sipi mula sa mga librong tumatalakay sa Martial Law. Patuloy ang pagbabahagi ng mga siping ito sa Facebook page ng Tanggol Kasaysayan hanggang Setyembre 21. 

Nakalatag din ang paglunsad ng isang libro tungkol sa Martial Law sa darating na Setyembre 23. Sa pamamagitan ng isang webinar, ipaliliwanag ng mga patnugot at awtor ang kanilang naging proseso sa pagsaliksik at ang kanilang mga natagpuang impormasyon tungkol sa diktadura. 

Project Gunita

Pagkatapos ng dalawang buwan ng pag-aarkibo, inilunsad ng Project Gunita ang digital archives nito noong Hulyo 10. Nilalaman nito ang unang batch ng mga materyales katulad ng mga aklat, lumang pahayagan, at mga larawan mula sa koleksiyon ni Professor Dante Ambrosio. 

Noong Agosto 5 naman, pinangunahan ng Project Gunita ang isang block screening ng pelikulang Katips sa Gateway Cineplex 10, Gateway Mall, Cubao, Quezon City. Dumalo at nagsalita rito sila Etta Rosales at Judy Taguiwalo, mga survivor ng martial law, at si Vince Tañada, ang direktor ng pelikula.

Sa Agosto 21, ang ika-51 anibersaryo ng pagbomba sa Plaza Miranda at ang ika-39 anibersaryo ng brutal na pagpaslang kina Benigno S. Aquino Jr. at Rolando Galman, pangungunahan ng Project Gunita ang isang malaking pagtitipon at aksiyon sa Bantayog ng mga Bayan. Katuwang nila ang People Power Volunteers for Reform, August Twenty-One Movement, ABKD, Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA), Bantayog ng mga Bayani, at iba pang partner-organizations.

Sa tabing ng “history fair,” maraming organisasyon at indibiduwal ang inaanyayahan ng Project Gunita na makilahok sa aktibidad na ito. Maliban sa paglalagay ng booths, magsisimula ang main program pagsapit ng 1 nh, ang eksaktong oras ng paglapag ni Ninoy sa Pilipinas. Iimbitahan ng Gunita na magsalita ang mga biktima at survivor ng batas militar, mga organisasyong nabuo sa panahon ng rehimeng Marcos, at mga buhay na saksi sa panahon ng diktadura. Isang konsiyerto ang magtatapos sa programa.

Tuloy-tuloy rin ang paglaban ng Project Gunita sa historical distortion gamit ang mga arkibo nito sa Facebook, Twitter, at Instagram. Ilulunsad naman ng Project Gunita sa mga paparating na linggo ang YouTube channel, TikTok account, at website nito.

Pitik Bulag

Bibigyang kulay naman ng grupong Pitik Bulag, isang kolektibo ng cartoonists, ang kampanyang #SaysayNgKasaysayan. Nakalikha ng halos 100 editorial cartoons ang Pitik Bulag bilang bahagi rin ng #FactsFirstPH mula Abril hanggang Hulyo 2022. 

Apat na Zoom webinar naman ang gaganapin ng Pitik Bulag mula Agosto hanggang Setyembre:

  • Webinar 1 – Agosto 20, Sabado, 4-5:30 nh
    • Paksa: Basic online workshop on editorial cartooning
    • Tagapagsalita: Cartoonist Zach 
  • Webinar 2 – Agosto 27, Sabado, 4-5:30 nh
    • Paksa: Basic online workshop on comics strip
    • Tagapagsalita: Isang Tasang Kape 
  • Webinar 3 – Setyembre 3, Sabado, 4-5:30 nh
    • Paksa: Women in editorial cartooning
    • Tagapagsalita: Steph Bravo Semilla (Inquirer cartoonist)
  • Webinar 4 – Setyembre 10, Sabado, 4-5:30 nh
    • Paksa: Being a Filipino-American cartoonist
    • Tagapagsalita: Angelo Lopez 

Abangan sa Facebook page ng Pitik Bulag at sa Rappler kung paano makakapagparehistro.

Ilulunsad ng Pitik Bulag sa Setyembre 11 ang editorial cartoon contest, na may temang kaugnay sa paglaban sa disimpormasyon tungkol sa Martial Law. Bukas ang patimpalak sa edad 15 at pataas. Para magkaroon ng dagdag-kaalaman ang contestants, maaari silang lumahok sa sumusunod na webinar: 

  • Main WebinarSetyembre 15, Huwebes, 4 nh hanggang 6 ng 
    • Paksa: How art can be used to combat disinformation
    • Mga tagapagsalita: Tarantadong Kalbo, Pitik Bulag representative, ABKD representative, Tanggol Kasaysayan representative, Rappler representative

Ang deadline ng contest ay sa Setyembre 20. Pipili ang Pitik Bulag, sa tulong ng ABKD at Rappler, ng Top 15 at ipo-post ang mga ito sa Pitik Bulag page. Maliban sa Top 3 winners ay gagawaran ng “People’s Choice Award” ang entry na may pinakamaraming reactions sa awarding ceremony sa Setyembre 23. 

Magkakaroon ng paggawa ng mga caricature ng mga personalidad noong Martial Law, kagaya ni Ninoy Aquino, simula Agosto 18

Higit sa lahat, aarangkada muli ang Pitik Bulag sa kanilang regular na fact checks sa pamamagitan ng cartoons at komiks

Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission (HRVVMC)

Inilunsad naman ng HRVVMC ang “#WeRemember Youtube series” nitong Agosto 5 ang dalawampung (20) mga bidyo kung saan sinasalaysay ang mga kuwento ng mga nabiktima ng Batas Militar. Layon ng proyektong ito na mailahad ang mga kuwento ng mga biktima na hindi pa naririnig ng publiko. Maaaring itong mapanood sa Youtube Channel ng HRVVMC.

Nitong Agosto 3 ay inilunsad naman ang “50 Before 50 project” na isa ring 50-day countdown bago ang ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law. Limampung karanasasan ng mga nabiktima ng Batas Militar ang ating mababasa sa kanilang social media accounts.

Pangalagaan natin ang saysay ng kasaysayan at protektahan ang mga historyador na nagsasalaysay ng katotohanan. Suportahan ang #SaysayNgKasaysayan ng #FactsFirstPH! – Rappler.com

Новак Джокович

Новак Джокович в пятый раз получил спортивный «Оскар» как атлет года

'Sticking his thumb in the judge's face': Michael Cohen says $1k gag order fines are joke

Laura Dern Is the Star of Roger Vivier’s New Short Movie

Scheduling Alignment Is More Important Than Strength of Schedule For The Chicago Bears In 2024

Shamil Musaev def. Logan Storley at 2024 PFL 3: Best photos

Ria.city






Read also

'I'm concerned': Hays County Homeless Coalition releases 2024 data

You Can Check a Car's VIN History for Free

Alec Baldwin accuses 'Rust' prosecution of charging him to 'humble' an 'arrogant' celebrity: court docs

News, articles, comments, with a minute-by-minute update, now on Today24.pro

News Every Day

Geri Halliwell & Christian Horner ‘in talks’ to make fly-on-the-wall Netflix doc as couple move on from sexting scandal

Today24.pro — latest news 24/7. You can add your news instantly now — here


News Every Day

'Sticking his thumb in the judge's face': Michael Cohen says $1k gag order fines are joke



Sports today


Новости тенниса
Елена Рыбакина

Рыбакина назвала свое преимущество над Швентек



Спорт в России и мире
Москва

В Мордовии пройдёт IX Интеллектуальная олимпиада ПФО среди студентов



All sports news today





Sports in Russia today

Москва

Баскетболист ЦСКА Хэнлан назвал Москву лучшим местом для жизни


Новости России

Game News

Metroidvania around a microscopic world to save dogs everywhere in BioGun


Russian.city


Москва

Владимир Путин поздравил ветеранов с 50-летием начала строительства Байкало-Амурской магистрали


Губернаторы России
Арцах

Отец азербайджанца вдруг забыл русский язык, и потребовал переводчика. Что известно о дерзком преступлении – убийctве байкера в Москве?


Прояснение причин СВО. План улучшения отношений. И дополнительно: "При чём здесь Ленин?"

Мировая премьера фантастического фильма Соснина "Пришелец" пройдет на ММКФ

Производство косметики в Москве выросло более чем на 60 процентов

Строительной компании из Китая могут запретить строить новые дома в Ростове


Леонардо Ди Каприо в роли Фрэнка Синатры

Депутат ЗСК Виктор Тепляков поддержал старт Всероссийской экоакции «Особенности национальной уборки»

«Вы посмотрите на этих губастых»: Розенбаум разнес любителей пластических операций

Модест Мусоргский жил и творил в уникальном месте – Валерий Гергиев


Россиянин Сафиуллин потерял четыре места в рейтинге ATP

WTA сообщила о достижении Рыбакиной после победы над Швентек

Пятая ракетка мира Пегула не выступит на турнире WTA 1000 в Мадриде

Елена Рыбакина стала чемпионкой турнира WTA-500 в Штутгарте



Замена труб канализации в Московской области

Питерским генералам сидеть в столице // Экс-начальника ГУ МВД по Санкт-Петербургу и его подчиненных хотят судить за взятки в Москве

Владимир Путин поздравил ветеранов с 50-летием начала строительства Байкало-Амурской магистрали

Шапки женские вязаные на Wildberries, 2024 — новый цвет от 392 руб. (модель 466)


Легендарный вратарь Мануэль Нойер стал амбассадором Hisense на Чемпионате Европы по футболу – УЕФА ЕВРО 2024™

Бакинское время Москвы // Ильхам Алиев летит к Владимиру Путину искать общие ответы на внешние вызовы

Москва, Питер, Сочи и многие другие города. Фильм «Карина» выходит в российский прокат

Концерт «Юрий Башмет, Константин Хабенский, ансамбль «Солисты Москвы». К. Сен-Санс «Карнавал животных»


«Так решил Путин»: каким путём пойдёт Россия, объяснил Хазин

АЗЕРБАЙДЖАН. В Азербайджане положительно оценили итоги визита президента в Россию

СМИ: в США блогерша-провокаторша Лена Миро впала в кому и умерла

Саша растёт, а липома – нет. Читатели aif.ru собрали деньги для Саши Шубиной



Путин в России и мире






Персональные новости Russian.city
Тимати

Певец Стас Пьеха рассказал о постановочной драке с Тимати, за которую его хотели избить



News Every Day

Shamil Musaev def. Logan Storley at 2024 PFL 3: Best photos




Friends of Today24

Музыкальные новости

Персональные новости